Wednesday, July 28, 2010

Panghihinayang sa Nasayang na Pagkakaibigan.

Tanong ko sayo kayo mo bang ibalik ang kahapon?
Ang panahon na kung saan puno ng saya at ligaya.
Hindi katulad ngayon puno ng lungkot at pagdurusa.
Panghihinayang sa mga araw na tayo ay magkakasama.
Sa tawanan,biruan,iyakan..pati sa kantahan,sayawan
Sa bawat session na ating pinupuntahan
At pati na rin sa pagkain sa lugawan.
Sa pagbuhos ng malakas na ulan hindi mawawala ang ang basaan at habulan
Kung naligo ang isa sa ulan kailangan kasama lahat ng mga kaibigan.
Sana ay iyong matandaan ang ating halakhakan
Sa tuwing tayo ay nagbibiruan at nagtatawanan.
Pero talagang nakapanghihinayang ang mga masasayang araw
kapiling ang iyong mga kaibigan.
Kung ang mga ito ay iyong pinabayaan at hindi na muling pinahalagahan.

No comments:

Post a Comment