Wednesday, July 28, 2010

Take Time to REALIZE.

Super close talaga tayo bilang magkaibigan.
Sa oras ng iyong pangangailanagan ako agad ang iyong nilalapitan.
Kapag may bagay ka nais mahiram ako'y di magdadalawang isip na ikaw ay paunlakan.
Alam mo kung bakit?
Dahil kaibigan kita at may tiwala ako sa iyo.

Pero bakit ganun? Dahil lang sa materyal na bagay nakita ang iyong ugali.
Pride mo ba ang dapat masunod?
Kahit alam mong iakw ang may mali.
"RESPETO" naman sana at walang bastusan.
Dahil sa pagkakamaling ginawa mo.
Akalain mong nakuha pa niyang ngumiti sa harap mo.
Pero ang totoo deep inside nasaktan sya sa ginawa mo.

Mga materyal na bagay kapag nawala sasabihin sa iyo
" Wala yan materyal lang yan kaya namang palitan yan"
Pero paano naman yung mga panahon na ito ay iyong pinag-ipunan,
mga sakripisyong inilaan para lang makuha ang bagay na matagal mo ng inaasam.
Kaya mo bang palitan?

Mahirap din palang magtiwala sa mga taong pinagkakatiwalaan mo.

Sana naman MAREALIZE mo na mali ang ginawa mo.
Dahil alam kong ang mga salitang ito ang nais mong marinig sa mga taong nasaktan mo.
"PAGPAPATAWAD"
Madaling ibigay yan,kahit sino naman ay deserve magkaroon ng second chance.
PERO
"PAGTITIWALA"
Malabo at mahirap ibigay.

"KUNG GUSTO MONG IBALIK ANG TIWALA NILA SA IYO
SANA AY MAGPAKITA KA NG MOTIBO>
IBIGAY MO ANG BEST MO
PARA MAKUHA MO ANG
TIWALANG NAWALA
AT NAIS MO MULING MAKUHA."

No comments:

Post a Comment