Friday, July 23, 2010

Putik na PRIDE yan si FRIENDSHIP ang Naaapektuhan.

Sa bawat araw na lumilipas aba! akalain mo tayu-tayo parin ang nagkikita.
Kapag nagkasalubungan ay magbibigkas ng mga salitang
" oh! maya kita tayo ha yayain mo ang iba kwentuhan ulit at baka may panibago ka na namang kwentong kalokohan na nalaman share mo sa amin yan ha.
Sige kita nalang tayo mamaya ha."
Yan ang mga salitang hindi mko makakalimutan kapag mga kaibigan ko na ang pag-uusapan.
Pero bakit ganun kapag nasaktan ang PRIDE ko eh
Tampuhan,Iwasan at mahabang araw na walang Pansinan ang aking nararanasan.
Ang hirap harapin ng sitwasyon lalo na kung walang commitment sa bawat isa oh hindi man lang ako mag-approach kung bakit ako nagtatampo.
Tapos darating ang time na kapag nagkikita tayo lalayo at umiiwas ako.
Mahirap magkaroon ng GAP sa relationship ng magkakaibigan.
Kahit alam ko ng nahihirapan ako sa pagsasarili ng sama ng loob eh
Sige magmatigas at makipag pataasan parin ako ng ihi.
Pero hindi man lang pumasok sa isip ko na ng dahil kay PRIDE ay mga kaibigan ko nasasaktan.
Ayoko ng maranasan pang mawalan ng kaibigan.Dahil alam kong masakit sa loob at sa mahabang panahon ko ito dadalhin
Sinusubukan kong magpakaHUMBLE pero si PRIDE parin ang nagwawagi.
Kaya minsan kapag sumagi sa isip ko yung mga masasayang araw na magkakasama tayo hindi ko mapigilang umiyak dahil EMOSYON ko na ang aking pinapairal.

"PANGAKO KO SA INYO GUYS HINDI KO PAIIRALIN ANG PRIDE KO DAHIL IMPORTANTE KAYO SA BUHAY KO"

No comments:

Post a Comment